Pagibig inaming walang utang na 6.6 billion si Delfin Lee

No image available

Sponsored Ads

Price: Free

President / CEO ng Pagibig inaming gawa gawa lang ang 6.6 Billion scam laban kay Delfin Lee. Pagibig inamin ding walang ...

  • Category: Events
  • Published: 27/04/2015
  • Current Rating: /5 0 Vote

    Description

    President / CEO ng Pagibig inaming gawa gawa lang ang 6.6 Billion scam laban kay Delfin Lee. Pagibig inamin ding walang utang na 6.6 billion ang Globe Asiatique at Atty. Darlene Berberabe inaming Pagibig pa ang may utang na 600 million sa Globe Asiatique

     


    Mapapanood, mapapakinggan at mababasa ang pag-amin ni Pagibig President/ CEO Atty. Darlene Berberabe na gawa-gawa lang at HINDI TOTOO na may 6.6 billion na utang ang Globe Asiatique o si Mr. Delfin Lee. Inamin din po ni Atty. Berberabe na ang tunay na may utang sa kanila ay ang mga Pagibig members at panghuli ay inamin din ni Atty. Berberabe na ang Pagibig pa ang may utang na 600 million sa Globe Asiatique.


    Panoorin po ninyo...


    Ngayon po alam na ng mahal kong mga kababayan na hindi totoo at gawa gawa lang yang 6.6 Bilyon Scam na yan para ipitin at pahirapan ako. Kaya ko po hinahamon si VP Binay nahumarap sa Senado ay para malaman ng buong sambayanang Pilipino ang katotohanan, mga katotohanang hindi maitatanggi o mapapasinungalingan ng PAGIBIG.


    Ang totoo pinakulong ako ni VP Binay, inipit at sinira nya ako dahil tumanggi ako sa mga nais niyang ipagawa ,tumanggi akong magbigay ng campaign funds kay VP Binay, tumanggi akong MAGBIGAY ng 200 MILLION kapalit ng pagbabasura sa inimbento nilang 6.6 Billion Scam  at panghuli po tumanggi po ako sa utos na idiin si Kabayan Noli De Kastro. Lahat po ito ay nasa sinumpaang salaysay ko na nasa senado. Ang totoo walang nagawa si VP BINAY, wala syang accomplishment AT GINAMIT NIYA AKO UPANG MAGPABANGO sa tao.


    Noong una ay tiniis ko po ang lahat ng panggigipit, paninira at pamumulitika ni VP Binay. Kaya po ako lumantad ay dahil lubos po akong naaawa sa mga kababayan kong ginigipit ni Binay. Lalong lalo na po ang mga taga xevera. Idinamay ni Binay ang mga taong mahihirap na nangarap lang naman na mag kabahay. Lahat ng kaso naipanalo ko, nag utos ang RTC, CA at HLURB na ibigay na ng PAGIBIG ang titulo sa mga fully paid buyer borrowers ng PAGIBIG. Pero hindi natitinag si Binay, hindi sya sumusunod sa BATAS.


    Kung sa akin nangyari ito, pano na ang mga mahihirap na hindi kayang ipagtanggol ang kanilang sarili.


    This link shows part of the statement by Attorney Berberabe: https://www.youtube.com/watch?v=zpF-dBaEP_o


    Phone Number : 576-6618
    Website URL : http://delfinlee.com/

    Related Ads

    Leave your comment


    Copyright © 2016 |   All Rights Reserved |   tuffclassified.com |   24x7 support |   Email us: query[at]tuffclassified.com